ดาวน์โหลดและฟังเพลง Handa Awit พร้อมเนื้อเพลงจาก Moira Dela Torre

ฟังเพลงHanda Awit

Moira Dela Torre, Brian Vee31 ต.ค. 2020

เนื้อเพลง Handa Awit

Handa Awit - Moira Dela Torre (莫伊拉·德拉·托雷)

Lyrics by:Brian Vee

Composed by:Brian Vee

Sa wakas nahanap din kita

 

Ilang taon narin akong paikotikot sa bakurang ito

 

Nabaligtad ko na ang lahat ng mga bato

 

Nahawi ko na ang bawat piraso ng damo

 

Hinalughog ko na ang langit at

Lupa para sa nawawalang kapiraso ng aking dibdib

 

Ang buto na kukumpleto sa

Balangkas ng imahe ng pagibig

 

Sa panaginip sinundan ko ang

Mga iniwan mong bakas

At sa pagbukas ng aking mga mata

Sa wakas nahanap din kita

 

Totoo pala yung mga kwento nila

 

Naalala ko sabi nila sakin

Kapag natagpuan mo na daw ang hinahanap mo

At bumaligtad ang iyong sikmura

 

Nanghina ang mga tuhod mo

 

Bumilis ng tibok ang puso mo

At hindi mo mapigilan ang nginig sa iyong mga kamay

Nagkakamali ka

Hindi siya ang hinahanap mo

Dahil kapag nahanap mo na daw

Tinadhana sayo ng kalawakan

 

Sabi nila kasabay mong matatagpuan ang kapayapaan

 

Ang lubag ng loob

 

Ang kalma

 

Na parang bago pa magtagpo ang ating mga katawan

Matagal na itong plinano ng ating mga kaluluwa

Na minsan hindi tayo magkasya sa isang dibdib

Kaya't pinaghiwalay tayo ng may likha

Para balang araw kapag naikot ko na ng sapat na beses

Ang mga pader sa pagitan nating dalawa

Ang mga ito ay tutumba

At sa wakas kapag humupa na ang sigwa

Matatagpuan din kita

At natagpuan nga kita

Sana hindi ako nagkamali

Dahil minsan na akong naging bala ng tirador

Na hinawakan ng mahigpit

At hinatak papalapit

Para lamang bitiwan at palayain

Iwang lumilipad sa hangin

Hindi ko alam kung saan ako babagsak

Pero dinala ako ng tadhana sa bakurang ito

At naniniwala akong lahat ng bagay ay may dahilan

Dahil naniniwala ako sa kanya

Sa may hawak ng tirador na pumuksa

Ng mga higante sa aking dibdib

Noong mga panahong wala pang lakas ang aking mga bisig

Pero ngayon masasabi kong handa na ako

Handa na akong muling sumugal

Handa na akong muling magmahal

Handa na akong lumabas sa aking bangka

Kahit ilang beses na akong nagtangka at lumubog

At nalunod sa kasinungalingan na ang pag-asa

Ay isang pantasya na binubulag ako sa katotohanan

Alam kong ang katotohanang andito ka ngayon

Sa aking harapan ay hindi ko kagagawan

Pero sa wakas nahanap din kita

Dahil ngayon handa na ako

At ang tanging panalangin na isinisigaw ko sa hangin

Ay sana ikaw rin

 

 

Handa ka na ba

เกี่ยวกับเพลงนี้ :

Handa Awit ได้ถูกปล่อยออกมาเมื่อ 31 ต.ค. 2020. ดาวน์โหลด JOOX Application เพื่อฟังเพลง Handa Awit, รับชมมิวสิควิดีโอ, ฟังเพลงออนไลน์ และอ่านเนื้อเพลงออนไลน์ได้ทันที Handa Awit จาก Moira Dela Torre,และ Brian Vee ฟังเพลง Handa Awit และสนุกสนานไปกับเสียงเพลงได้ทุกที่ทุกเวลา

Tags ที่เกี่ยวข้อง :

Handa Awit (โดย Moira Dela Torre), Handa Awit, Handa Awit มิวสิควีดีโอ, Handa Awit เนื้อเพลง, Moira Dela Torre เพลง