收听Flow G的Kasama歌词歌曲

Kasama

Flow G, Chito Miranda2024年9月28日

Kasama 歌词

Kasama - Flow G/Chito Miranda

Lyrics by:Archie Dela Cruz/Alfonso Miranda Jr

Composed by:Archie Dela Cruz/Alfonso Miranda Jr

Pwedeng 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal

Kung pwede lamang laging masaya

Na magkasama tayong dalawa

Kung may lugar na hindi uso mag-drama

Eh 'di sana una pa do'n na kita dinala

Kaso nga wala no'n araw-araw may dumadating na hamon

'Di pa natin natatapos 'yung kahapon

'Eto na naman 'yung panibagong problema na nagkakapatong-patong

Tapos dadagdag ka pa magrereklamo sa'kin na hirap ka na

Umabot pa sa puntong aayaw ka na

Hirap na rin ako 'di lang ikaw ang nakakadama

Pero umaasang may pag-asa pa

Madalas pikang-pika utak ko'y pigang-piga

Kakaisip kung kalaban ka ba o kakampi pa

Lagi kang nag-iinarte na akala mo ay aping-api ka

Pwede 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal

'Di ko na alam kung bakit ba palagi tayo ganito

Ako ay nagtataka at puso ko'y litong-lito

Para bang may kaaway ka sa utak mo

At ako na lang ang sumasalo

Pero kakayanin alang-alang sa pinagsamahan natin

Sapagkat alam ko na mahal mo din ako

Kahit na paminsan-minsan parang gusto mo na lang akong sumuko

Puno ng drama kahit wala namang problema

Matino naman ako pero kung awayin mo ako

Akala mo siguro na katulad ko 'yung ex mong gago

Magtiwala ka sa akin kaya natin 'yan ayusin

Okay naman tayo ngunit masyado kang praning

Pwedeng 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal

Pwede 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal

Pwedeng 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal ay kasama 'yan

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal ay kasama 'yan

 

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal kasama 'yan