收听Shalom Singers的Ang Mundo歌词歌曲

Ang Mundo

Shalom Singers, Bill Aujero2016年6月21日

Ang Mundo 歌词

Ang Mundo - Shalom Singers

Written by:Bill Aujero

 

Sino ka man kaibigan

 

Ano man ang iyong kalagayan sa buhay

 

Mayaman ka man o mahirap

 

Mataas ang pinag aralan o mangmang

 

Malaya o nasa bilangguan

 

Ang awit na ito ay iyong pakinggan

 

Iyong pag isipan

 

At iyong paghandaan

 

Masdan mo ang mundo

 

At pagnilay nilayan mo

 

Digmaan ay sumisiklab himagsikan ay laganap

 

At sa ibang panig naman

 

Na walang kaguluhan

 

Tao'y nagpapasasa

 

Sa makamundong gawa

 

Mundo'y lumalala

 

Maliwanag na tanda

 

Ng muling paghuhukom na kanyang winika

 

At sa iyong pagninilay nilay

 

Damahin mo ang mensaheng taglay

 

Na tayo'y maging handang naghihintay

 

Sa anak ng Dios na buhay

 

Isipin mo ang mundo

 

At ang ebanghelyo

 

Tanda ng huling paghuhukom ay matutunghayan mo

 

Pagtalinong sobra ng tao

 

Ay isa sa mga ito

 

Sa kapangyarihan at salapi ay di na nakuntento

 

Mundo'y lumalala

 

Maliwanag na tanda

 

Ng muling paghuhukom na kanyang winika

 

At sa iyong pagninilay nilay damahin mo ang mensaheng taglay

 

Na tayo'y maging handang naghihintay

 

Sa anak ng Dios na buhay

 

Sa anak ng Dios na buhay

 

 

Sa anak ng Dios na buhay