收听Stonefree的Panata歌词歌曲

Panata

Stonefree2025年9月26日

Panata 歌词

Verse 1:

May dinaramdam ka ba?

Alam ko namang mahirap 'yan

Para bang 'di na buo ang hugis ng iyong mundo

 

Lahat ng dusa mo ay pansamantala

'Di mo man kayang mag-isa

Kayanin nating dalawa

 

Chorus:

Aalagaan kita

Huwag ka nang mangamba

'Di ka mag-iisa

 

Aalagaan kita

Sasamahan kita

'Di ka mag-iisa

 

'Yan ang aking panata

 

Verse 2:

 

Ikaw ba'y balisa?

Ligaw na sa tanging pag-asa

Bugbog pa sa lungkot at kawalan

'Di mo man kayang mag-isa

Kayanin nating dalawa

 

Chorus:

Aalagaan kita

Huwag ka nang mangamba

'Di ka mag-iisa

 

Aalagaan kita

Sasamahan kita

'Di ka mag-iisa

 

'Yan ang aking panata

 

Verse 3:

May dinaramdam ka ba?

Alam ko namang mahirap 'yan

Para bang 'di na buo ang hugis ng iyong mundo

Hindi mo man kayang mag-isa

Kayanin nating dalawa

 

Chorus:

Aalagaan kita

Huwag ka nang mangamba

'Di ka mag-iisa

(Mag-iisa)

 

Aalagaan kita

Naniniwala ka ba?

Maniwala ka na aking tutuparin ang aking panata

 

Coda:

Tatagan ang iyong puso

Lakasan ang iyong loob

Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa

'Pagkat kasama ako

Sa'n ka man mapunta

Maniwala ka na aking tutuparin

Ang aking panata