
Patamisin (Beach Song) 歌词
Patamisin (Beach Song) - Soapdish
Nagising sa init
Umaga na pala
At ang una kong nakita ay ang
Inaantok mong mata
Teka muna sandali
'Wag nga tayong magmadali
'Di pa tayo uuwi
Damhin muna natin ang saya
Ng umaga
Mag almusal na tayo
Itlog at pandesal
Salamat natupad narin
Ang aking dinarasal
Na ika'y makatabi
Sa munting paraisong 'to
Sana nga hanggang huli
Ay ikaw lang at ako
Susubukan kong gawin
Lahat ng iyong hilingin
Sisisirin
Lalanguyin
Kakain ng buhangin
Ang sarap sa dagat
Kahit nga maalat
Halik mo lang at yakap
Ay kaya na 'tong
Kaya na 'tong patamisin
At sa pananghalian
Ano bang gusto mo
Meron diyang liempo't isda
O sige iihawin ko
Magbobonfire sa gabi
Konting inom konting sindi
Parang 'di mapakali
Ang puso kong walang masabi
Ang sarap sa dagat
Kahit na maalat
Halik mo lang at yakap
Ay kaya na 'tong
Kaya na 'tong
Patamisin pa lalo ang buhay ko
Sa titig mong walang tatalo
Biglang huminto ang mundo
Kaya't parang naisip ko
Na it's the best day ever
It's the best day ever
Na it's the best day ever
Susubukan kong gawin
Lahat ng iyong hilingin
Sisisirin
Lalanguyin
Kakain ng buhangin
Ang sarap sa dagat
Kahit nga maalat
Halik mo lang at yakap ever
Ay kaya na 'tong
Kaya na 'tong patamisin
Kaya na 'tong
Patamisin