收听Basil Valdez的Muling Buksan Ang Puso歌词歌曲

Muling Buksan Ang Puso

Basil Valdez2008年3月5日

Muling Buksan Ang Puso 歌词

 

Muling Buksan Ang Puso - Basil Valdez (贝西·华尔德斯)

Walang hindi man lang dumanas kailanman

 

Magmahal nang tapat at 'di man lamang nasaktan

 

'Yan ay sadyang bahagi ng karanasan

 

Minsa'y nadarapa paano mapagagaang

 

Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan

 

Muling buksan ang pusong minsa'y nagtampo

 

Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo

 

Walang hapding mananatiling nasa 'yo

 

Basta't limutin mo ano mang sakit nito

At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo

 

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang

 

Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang

 

Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang

 

Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli

 

Kaya't buksan ang puso at yakapin mo

 

Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa 'yo

 

Bukas magugulat ka pa paggising mo

 

Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo

'Di ba't bawat tao ay may kani kaniyang paraiso

 

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang

 

Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang

 

Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang

 

Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli

 

Kaya't buksan ang puso at yakapin mo

 

Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa 'yo

 

Bukas magugulat ka pa paggising mo

 

Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo

'Di ba't bawat tao ay may kani kaniyang paraiso

Kung nasaktan ka man 'yan din ay magdaraan

 

Puso'y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan