Lirik Kahit Maputi Na Ang Buhok ko
Kahit Maputi Na Ang Buhok ko - Tricia Garcia/Gloc-9
Written by:Rey Valera
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
At kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin ooh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko
Tanda ko pa nung akoy' mahumaling
Ikaw ang laman ng lahat ng dalangin
Laging hatid sa pag ihip ng hangin
Halimuyak na nagpaamo sa akin at
Pinalad na ako ay ibigin mo rin
Iregalo sa'yo lahat ng mga bituin
Kahit na medyo may kahirapan 'atang gawin
May pangako ako sa 'yo
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin mmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako na ang pag ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok
Di na makalakad aalalayan kita
Di na makakita ay babasahan kita
Hindi na makabangon humiga tayo maghapon
Ikaw lamang ang iibigin at wala ng iba
Hindi na makaligo sabay tayong bumaho
Iyong ganda sa aking mata ay hindi maglalaho
Hanggang maubos ang kandila at lahat ay magdilim
Ikaw lamang at ako
Nagtatanong lang sa'yo ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko