Lirik Kamusta
Yo-yo-yo-yo-young God
God
God
God
God
God
Hello
Kamusta ka sana ayos lang
Lagi lang akong nandyan
Kaso lang ang
Damot ng bibig
Para san pa kung
Handa kong makinig
Pag gipit kung sa sarili
Mo masyado kang bilib
Mahihirapan ka lang
Ng mahihirapan
Kung ipipilit mong
Wala kang kahinaan
Kadalasan alak pa ang
Mas pinipili mong sandalan
Di ka masaya nanghihiram
Ka lang ng tapang
Dama ko na may kinikimkim
Na hirap ka na rin tiisin
Kaso nasanay
Kang pinapakita na
Lahat ay kaya mo rin panisin
Hindi ka takot matulungan
Kung tutuusin
Takot lang na tuksuhin
Kaya di masagot kada
Tatanungin kung
Meron bang nakakubli sa likod
Ng 'yong ngiti at kutitap
Ng iyong mga mata
Mabigat ba sa
Dibdib 'pag laging
Pinipigilang sabihin
Ang iyong nadarama
Di mo gustong malaman
Ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
Pero para makuha yung
Sakin mabuhay ang dami
Ng kasalanang nagawa
Hindi ko na nga mapagkatiwalaan
Sarili panong ikaw pa kaya
Hindi madama yung lungkot
O saya nagtataka lang
Bakit may hininga pa ko
Baka gumaan pa bigat
Ng dala pag wala
Tulad ng kung anong bago
Habang yung katinuan
Naka kadena sa alak
Usok at tableta
Sa napalang mapait
Tatakasan saglit pagbalik
Ganun paden eksena
Kulong sa sistema
Parang malaya sa
Laki ng selda
Kulang na nga lang ipako
Sa krus sa dami nanghudas
Para sa pera
Katulad nilang gusto
Pa ko masira
Kahinaan di ko maipakita
Layo ng gusto ko pa marating
Na naliligaw din pag
Walang gasolina
Kanina ay nasa dulo ng bangin
Lason sa hangin sarap damahin
May lubid sa puno sinabit
Daliri ko saking
Baril bago kalabitin
Nakakubli sa
Likod ng 'yong ngiti at
Kutitap ng iyong mga mata
Mabigat ba sa dibdib
'Pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama
Di mo gustong malaman
Ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
Buhay nya na hiniram
Ay kinuha pa nya nang
Hindi nagpaalam
Sa mga kaibigang nakatawanan
Sa dami ng di nya
Gustong naranasan
Sa mga huling hininga nya
Na lang inasahan
Mahanap ang kapayapaan
Hirap manalo pag nasa
Loob ng isipan ang
Pinaka naging kalaban
Meron bang dapat sisihin
Paligid Sarili
Mundong magulo
Hindi ko alam kung
Kanino ba dapat ituro
Yung dulo ng hintuturo
Alam mong hindi
Ka makakalimutan
Hinaharap nagawang talikuran
Kinakausap ka habang
Nasa likod ng salaming
May saradong pintuan
Malapit ka nang
Bumigay dama ko
Wag ka magmadaling maabo
Magkakaasawa ka pa at
Magkakaanak ka pa
Hanggang sa magkaapo
Kapag ganitong ganito
Yung wala ka abot na
Abot ko kung ba't ka lito
Tadhana ang palabiro
Pagsubok ang pampatino
Buhay parang byahe
Maraming hadlang
Ikaw na bahala kung
Pano mo sasakyan
Natural lamang na mabigatan
Kaya hanapin ang pampagaan
Yan ang paraan kasama yan
Wag mag-alala kung
Meron bang nakakubli
Sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata
Mabigat ba sa dibdib
'Pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama
Di mo gustong malaman
Ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
Meron bang nakakubli sa
Likod ng 'yong ngiti at
Kutitap ng iyong mga mata
Mabigat ba sa dibdib
'Pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama
Di mo gustong malaman ng
Mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan