Dengarkan lagu Paralumbay nyanyian Adie dengan lirik

Paralumbay

Adie15 Dis 2023

Lirik Paralumbay

Paralumbay - Adie

Lyrics by:Adrian Garcia

Composed by:Adrian Garcia

Arranged by:Adrian Garcia/Franz Sacro

Produced by:Adrian Garcia/Franz Sacro

'Di ko alam kung

Sa'n nagkulang

'Di ko alam

Sinubukang balik-balikan

Ang dating sayang

Alaala na lang

'Di kalaunan nahanap ang tahanan mo

Sa piling ng iba

Hindi ba pangako mo noon na tayo lang

May dulo pala ang walang hanggan

Sumisilip lagi

Sa araw-araw ang

Mga araw kung saan

Wala tayong pakialam

Sa ingay ng kapaligiran

Musika lang natin ang papakinggan

Yung dating atin

'Di na kaya ng panalangin

Binubulong na lang sa hangin

Mga katagang

Mahal pa rin kita

Kahit meron nang iba

Ano pa ba aking magagawa

May dahilan pa ba

Para lumigaya

Kung sa piling niya ika'y masaya

Ayoko na lang magsalita

O paraluman ba't ka lumisan

'Di na kita maaring madala sa paraiso

Palagi ka niya sanang ingatan

Huwag pagsawaan

Huwag ka ring pabayaan

Isasayaw kita

Himig ng tadhana

Hindi na tugma

Himig ng tadhana

Hindi na tugma

Himig ng tadhana

Hindi na tugma

Himig ng tadhana

Hindi na tugma

Pinapalaya na kita

Tanggap ko na wala na talaga

Sana lang 'di ka nangako ng

Walang hanggan

Iyong tandaan

Paraluman

Sa 'yong paglisan

'Di na kita maaring madala sa paraiso

Palagi ka niya sanang ingatan

'Wag pagsawaan

'Wag ka ring pabayaan

Isasayaw kita

Sa panaginip na lang nga

Hmm

 

Paalam na