Lirik Pagsibol (From "The Best Of Himig Heswita")
Pagsibol - Various Artists
Written by:Arnel DC. Aquino Sj
Bawat huni ng ibon sa pag ihip ng amihan
Wangis mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan
Init mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon ikaw
Ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay
Kailan paman
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa ibayong kaginhawahan
Nangungulilang malay binulungan ng tinig mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran
Nilusaw mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal
Panginoon ikaw
Ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay
Kailan paman
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa ibayong kaginhawahan
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay
Kailan paman
Ipahintulot mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa ibayong kaginhawahan
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
Kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang
Ohh oh