
Lirik Koreana
Koreana - Not Informed
Written by:Junno
Kakaiba manamit
Mukha siyang mabait
Ngunit nang napalapit tenga ko'y sumakit
Ang ubod ng kulit
Ngiti niya'y kakaiba
Pag siya'y pumose ang saya
Nang aking makilala mundo ko'y nag-iba
Yanig ako bigla
Kahit na di mo maintindihan
Ang lahat ng salitang aking binibitawan
Alam naman kung hanggang kailan
Aabot ang nilalaman
Ng puso kong ito
Koreana ko
Magkaibang mundo
Ngunit pinagtagpo
At nung tinanong kung ano ang iyong paborito
Sabi mo
Adobo
Kahit na di mo maintindihan
Ang lahat ng salitang aking binibitawan
Alam naman kung hanggang kailan
Aabot ang nilalaman
Ng puso kong ito
Koreana ko
Mas matamis sa asukal
Mas malambot sa bakal
Kahit ga'no katagal aking dinarasal
Ganun kita kamahal
Sarranghae
Kahit na di mo maintindihan
Ang lahat ng salitang aking binibitawan
Kahit na di mo maintindihan
Ang lahat ng salitang aking binibitawan
Alam naman kung hanggang kailan
Aabot ang nilalaman
Ng puso kong ito
Koreana ko