Lirik Huli Na Ang Lahat
Huli Na Ang Lahat - Silent Sanctuary
Written by:Sarkie Sarangay
Lalabas na muna ako ng bahay magpapahangin lang
Maya maya pa't mababawasan ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan
Lambingan ang sagot sa daan
Anong nangyari laging sinasabi pag-ibig na walang hanggan
Ganyan ba talaga sa una
Ibang kislap ng mga mata
Ngunit habang tumatagal ay konting kibo't naiinis na
Pumapangit ang ating itchura
Bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente lalong gumagrabe
Tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Isulat na natin ang wakas
Sa huling pahinang babasahin
Wala nang aatras
Sabihin ang dapat aminin
Pasensya ka na
Di naibigay ang lahat sayo
Sabay huminga
Sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama'y nalason
Huli na ang lahat
Huli na ang lahat
Huli na ang lahat
Huli na ang lahat
Malaya ka na malaya narin ako
Malaya na tayo