Dengarkan lagu Bulag, Pipi At Bingi nyanyian Freddie Aguilar dengan lirik

Bulag, Pipi At Bingi

Freddie Aguilar22 Mac 2019

Lirik Bulag, Pipi At Bingi

Bulag, Pipi at Bingi - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉尔)

Sa bawat yugto ng buhay

 

May wasto at may mali

 

Sa bawat nilalang ay may bulag

May pipi at may bingi

 

Madilim ang 'yong paligid

Hating gabing walang hanggan

 

Anyo at kulay ng mundo

Sa 'yo'y pinagkaitan

H'wag mabahala kaibigan

Isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan

 

Ligtas ka sa kasalanan

 

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

 

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

 

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

 

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

 

Ibigin mo mang umawit

Hindi mo makuhang gawin

 

Sigaw ng puso't damdamin

Wala sa 'yong pumapansin

Sampung daliri kaibigan

D'yan ka nila pakikinggan

 

Pipi ka man nang isinilang

 

Dakila ka sa sinuman

 

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

 

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

 

Ano sa 'yo ang musika

Sa 'yo ba'y mahalaga

 

Matahimik mong paligid

 

Awitan ay 'di madinig

 

Mapalad ka o kaibigan

 

Napakaingay ng mundo

 

Sa isang binging katulad mo

Walang daing walang gulo

 

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

 

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

 

'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal

 

Patungo sa hinahangad na buhay na banal