Lirik Tinatangi

Tinatangi - Cookie Chua/Bayang Barrios/The Benjamins

Lyrics by:Paolo Guico/Miguel Guico

Composed by:Paolo Guico/Miguel Guico

Sa paghinga bawat tingin

Silip sa nais sabihin

Pagbangon tayo'y bab'yahe rin

Pag ibig lang ang dadalhin

Ooooh ooooh

Ooooh ooooh

Pagmulat ng ating araw

Ikaw ang tinatangi

Sa bukas na tinatanaw

Ikaw ang tinatangi

Ooooooooooh

Ooooooooooh

Sa ating paglalakbay

Oh hawak ang iyong kamay

At kung sakaling mawalay

Ang puso ang ating gabay

Ang puso ang ating gabay

Pagyakap ng dapit hapon

Ikaw ang tinatangi

Subukin man ng panahon

Ikaw ang tinatangi

Oooooh

Oh wala nang nanaisin

Ooooh

Kundi ikaw ay makapiling

Ikaw ang silong sa init ng araw

At ilaw sa dilim ng gabi

Sa pagputi ng iyong buhok

Bawat kulot bawat hibla

Ng buhay nating sinubok

Ay saksi ng pagsinta

Oooh aah

Ooooooh waa ooh waaa

Kapag gabi ay dumating

Ikaw ang tinatangi

Sa buwan at mga bituin

Ikaw ang tinatangi

Sa bawat pagkakataon

Ikaw ang tinatangi

Ngayon bukas at kahapon

Ikaw ang tinatangi

Oooooooh

Oh wala nang nanaisin

Oooooooh

Kundi ikaw ay makapiling

Sa paghimlay bawat tingin

Silip sa nais sabihin

Tahan na aking mahal

 

Pag ibig lang ang tatagal