Lirik Masdan Mo Ang Kapaligiran
Masdan Mo Ang Kapaligiran (看看周围的环境) - ASIN
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag unlad
At malayu layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin
Sa langit natin
Matitikman
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit di natin pagisipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon mga ibong gala
Ay wala nang
Madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y wala pa
Ingatan natin at wag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi
Tayo'y mawawala na
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan