Lirik Tapos Na (Explicit)
Tapos na mahal ko
Hininto ko na'ng hakbang
Patungo sa'yo
Biglang napagtanto ko na
May pinatunguhan
Ang panalangin ko
Kasi hinawakaan mo
Ang kamay ko
Pawang kabulaanan no'ng
Pinaniwalaan kong kalawakan
Ang ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma
Sa akin natapat
Hininto ko na ang baka-sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
'Di ako makapaniwalang
Oo ang iyong desisyon
Mali ang inakala kong kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Bago pa maipinta ang tayo
Ika'y isang dilag na
Humahabol sa pangarap
Kaya minarapat kong
Bilisan din ang takbo
Gusto kong masabayan ka
Sa mithiin mo
Mga panghuhusga nila'y 'di
Hahayaang ibato
Ako raw ay isang 'di hamak
Na panakip-butas mo
Kaya pinag-uugnay ko ang
Kalawakan na ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma
Sa akin natapat
Hininto ko na ang baka-sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
'Di ako makapaniwalang
Oo ang iyong desisyon
Mali ang inakala kong kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Nagniningning ang mga mata ko
No'ng binigkas mo ang Mahal ko
Teka may karugtong pala
Tumingin ka sa sahig at binanggit
Mahal ko pa rin siya sinubukan
Ko naman ang mahalin ka
Pinilit lamang ang eksenang tayo
Ang iksi ng tayo
Kasi tama pala ang kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Mali ang inakala kong
Oo ang iyong desisyon
'Di ako makapaniwalang
Nalagpasan ako ng tadhana
Hihinto na lang ako sinta
Pawang kabulaanan no'ng
Hinawakan mo ang kamay ko
May pinatunguhan
Ang panalangin ko
Kasi biglang napagtanto ko na
Hihinto ko na'ng hakbang
Patungo sa'yo
Mahal ko tapos na