Listen to Sulat song with lyrics from Freddie Aguilar

Sulat

Freddie Aguilar1 Feb 2012

Sulat Lyrics

Sulat - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉尔)

Nung isang araw sa may tapat ng pintuan

 

May isang mama at may siyang dala sulat

 

Nang basahin ko humihingi siya ng tulong

 

Dahil daw sa kanyang anak na maysakit

 

Siya'y amoy-alak mata'y namumula

 

Kaya daw naglasing dahil sa problema

 

Sa awa ko dinukot ko ang piso sa bulsa

 

Ang sabi niya ay mama kulang dagdagan pa

 

Kaya ako dumukot ng sampo dinagdagan

 

Siya nama'y nakangiti at biglang lumisan

 

Siya'y sinundan ko di n'ya nalalaman

 

At siya'y nakita kong pumasok sa ihaw-ihaw

 

Ako'y lumapit sa kanya

At siya ay nabigla

 

Para bang nakakita ng multo ang mama

 

Oh ilan kaya ang tulad ng taong ito

 

May dalang sulat upang manloko ng kapwa

 

Pag nakita n'yo itong taong ito

 

Mag-ingat kayo

 

Baka kayo'y maloko

 

Pag nakita n'yo itong taong ito

 

Mag-ingat kayo

 

 

Baka kayo'y maloko