Meron Nang Iba Lyrics
Meron Nang Iba (得到另一个) - Silent Sanctuary
Written by:Raymund Sarkee Sarangay
Mahirap bang pumili at magpasya
Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna
Kaya ngayon di na kita makilala
Kamusta ka na
Darating din sa akin malilimutan kita
Subukan mong pilitin baka nga di tayong dal'wa
Nanlalamig na damdamin kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na umuwi ka meron na akong iba
Meron na akong iba
Apat na buwan marami pang hindi alam
Naiinis umalis ng ganun na lang
Siguro nga hindi ako karapat dapat na ipaglaban mo
Darating din sa akin malilimutan kita
Subukan mong pilitin baka nga di tayong dal'wa
Nanlalamig na damdamin kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na umuwi ka meron na akong iba
Nasan ka nung kailangan ko ang yakap mo
Hinanap ang init mong saya ng puso ko
Sa langit magsusulat na ng bagong yugto
Sumukong maghintay sumukong maghintay
Bumitaw sa 'yong kamay
Hindi ko rin akalain malilimutan kita
Subukan mang pilitin talagang di tayong dal'wa
Napagod na ang damdamin kay tagal mong nawala
Sa araw na umuwi ka
Meron na akong iba
Meron na akong iba
Meron ka na bang iba
Meron na akong iba