Listen to Bagong Simula song with lyrics from Ex Battalion

Bagong Simula

Ex Battalion, Ai Ai Delas Alas12 Apr 2019

Bagong Simula Lyrics

Kalimutan ang nakaraan

At ako'y babalik sa umpisa

Mga pangit na napagdaanan

Lahat yon ay itatapon ko na

Kailangan kong bumangon kahit paulit ulit pang nadapa

Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Nakakapagod nang lumaban

Minsan gusto kong takasan

Ang madaya na mundong mapaglaro

Lumipat kung saan pupwedeng ilabas ang tunay na ako

Nang walang pangamba at takot na baka ko mabigo

O baka biglang magkamali ako

Madapa ulit

Pero mas naisip ko na tumayo ulit

Pagigihin ang sarili kong magsimula ulit

Di na takot

Tatawa na't ilalabas na ang kulit

Sa bagong pahina

Tapos na kong magpahinga

Handa na kong magsimula

Di na takot mapahiya

Hatakin man ng tadhana pabalik sa umpisa

Taas-noong lalakad papunta sa bagong simula

Kalimutan ang nakaraan

At ako'y babalik sa umpisa

Mga pangit na napagdaanan

Lahat yon ay itatapon ko na

Kailangan kong bumangon kahit paulit ulit pang nadapa

Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Ganyan talaga ang buhay

Di ka pwedeng umasa sa himala

Kailangan mong matutong kusang tumayo kapag ikaw ay nadapa

Sabay kalimutan ang nakaraan yeah

Wag kang mahiya

Dahil walang masama kung gusto mo yeah

Ulit na magsimula

Sarili mo lang ang kalaban mo sa buhay mo

Kapag nadapa

Ikaw lang din magtatayo sa yo

Easyhan mo lang para hindi ka na nalilito

Dapat ay isipin mong lahat ay kakayanin mo

Kalimutan ang nakaraan

At ako'y babalik sa umpisa

Mga pangit na napagdaanan

Lahat yon ay itatapon ko na

Kailangan kong bumangon kahit paulit ulit pang nadapa

Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Parang imposible na mabago ang lahat pero posible

Magsimula ulit sa simple

Yeah gano'n lang kasimple

Kasi nga ito ang aking simula

Para aking maiba ang aking nakaraan

Dapat dito ay pinaghahandaan

Para ako'y makabangon at di na mabalikan

Ang mga araw na may sugat na malalim at mababaw

Na babago to sa akin balang araw

Kasiyahan ko naman ang umaapaw