Listen to Princesa song with lyrics from APO Hiking Society

Princesa

APO Hiking Society1 Jan 1982

Princesa Lyrics

 

Princesa - APO Hiking Society

Mula noong ako'y nag umpisang maglakad

Tila may kumpas ang bawat hakbang

 

Natutong sumayaw sa sariling paraan

Sa bawat tugtog na alam

 

Hindi naman sa ako'y nagmamayabang

Kelan ma'y hindi pa natanggihan

 

Mahusay magdala tila napakagaan

Sa hangin parang lumulutang

 

Maraming kapareha na sa akin nagdaan

Pagkatapos ng tugtog nalilimutan

Ngunit ng makita siya sayawang ito

Nanlambot ang tuhod at naturete na pati paa ko

 

Panaginip kita, mahal na prinsesa

Minsan sana'y makapareha

 

Ibibigay ko pati puso ko

Para lamang makasama ka

 

Makapareha ka, mahal na prinsesa

 

Dahan dahan nilapitan ang dilag na ito

At mapormang isinayaw sa gitna

 

Umikot nang umikot at nakakahilo

 

Lahat ng tao'y tulala

 

Iisa ang kapareha sa buong magdamag

Di ko siya mapagot at hindi matagtag

Di ko maiwanan at hindi rin mabitawan

 

Tuloy tuloy ang kapit

Hanggang sa mauwi na sa simbahan

 

Panaginip kita, mahal na prinsesa

Minsan sana'y makapareha

 

Ibibigay ko pati puso ko

Para lamang makasama ka

 

Makapareha ka, mahal na prinsesa

 

Mula noong kami'y sa simbahan naglakad

Magkasama na sa araw at gabi

 

Mayrong mga ilang supling na ngayo'y nadagdag

Na sumasayaw na rin sa tabi