Listen to Katarungan song with lyrics from Freddie Aguilar

Katarungan

Freddie Aguilar1 Jan 1994

Katarungan Lyrics

Katarungan - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉尔)

Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot umiiyak

 

Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag

 

Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad

 

Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa

 

Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak

 

Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa

 

Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya

 

S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa

 

Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya

 

Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan

 

'Di ba't ang batas natin pantay-pantay walang mahirap mayaman

 

Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan

 

Mga ilang araw na lang haharapin na n'ya ang bitayan

 

Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang walang kasalanan

 

Tanging ang diyos lamang ang s'yang saksi at s'yang nakakaalam

 

Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil kung sino'ng may kasalanan

 

Dumating na ang araw haharapin na n'ya kanyang kamatayan

 

Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang

 

O ang batas ng tao kung minsan ay 'di mo maintindihan

 

 

Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalana

Comments for Katarungan (3)

Lee Akp
Lee Akp

kp

Denn
Denn

👍

Nice song freddie

Dmar AG
Dmar AG

Nice song freddie