Ala-Ala Ay Ikaw Lyrics
Ala-ala ay ikaw - Eddie Peregrina
Malilimutan ko pa ba aking mahal
Ang maligayang araw nating nagdaan
Habang ako'y nag-iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw
Ang aking suyuang walang kasing tamis
Sa gunita pala ay ubod ng pait
Ang nagtampong pag-ibig mong di ko batid
Kung minsan pang magbabalik
Kaya wala nang nalabi sa dibdib ko
Kundi ang alaala ng pag-ibig mo
Asahanmong jhindika na mawawala
Dito sa aking gunita
Malilimutan ko pa ba aking mahal
Ang maligayang araw nating nagdaan
Habang ako'y nag-iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw
Habang ako'y nag-iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw