Bisperas Lyrics
Bisperas - Hangad
Written by:Arnel D.C./Aquino S.J.
Nung akoy naglalakad na pauwi
Naitanong ko sa aking sarili
Ano nga bang kahulugan ng Pasko sa 'king bayan
May mga bata sa lansangan at walang mauwian
Salu salo sa pansit na nilimos
At maya maya'y mahihimlay sa nilatagan na bangketa
Nung ako'y naglalakad na pauwi
Naitanong ko sa aking sarili
Ano nga bang katuturan ng Pasko taun taon
May mga paslit pa lamang na ulilang lubusan
At padapu dapo sa mga sasakyan
At tira tira ang siyang pamuno ng tiyan
Hesus pakinggan mo
Pagsusumamo ng gutom sa mundo
Lalung lalo na ang mga bata 'yong mga anak
'Pagkat hindi ba ang pagdiriwang ng 'Yong kaarawan
Ay sadyang nararapat
Sa katulad nilang anghel ng lansangan

'Pagkat hindi ba ang pagdiriwang ng 'yong kaarawan
Ay sadyang nararapat
Sa katulad nilang anghel ng lansangan