Nag-Iisa, Wala Ka Na Lyrics
Nag-Iisa, Wala Ka Na - Noel Cabangon
Written by:Noel Cabangon
Papalubog na naman ang ilaw
Nagpapaalam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi
Ilang araw na ang lumipas
Magmula nang ika'y magpaalam
Ilang gabi na ang nagdaraan
Ang pag iisa'y
Tila 'di na makayanan
Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin
Wala ka na sa tabi
Nag iisa
Wala ka na
Wala ka na
Nag iisa
Ala ala'y nagbabalik sa aking isip
Mga larawan ng bawat sandali
Pag ibig nating sinumpaan
Ipinangako sa liwanag
Ng buwan
Hmmmmmmm
Hmmm
Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin
Wala ka na sa tabi
Wala ka na
Nag iisa
Nag iisa
Wala ka na
Ohhhhh
Woahh
Ohhhh
Ohhh
Ngunit kailangan ko nang masanay
Tanggapin na lumisan ka na ng tunay
Ang lahat lahat ay bubuti ang pag ibig ay mananatili
Lagi lagi
Hanggang sa walang hanggan