Nag-iisang Muli Lyrics
Nag-iisang Muli - Lyca Gairanod
Lyrics by:Gian Bernardino/Raphael Ridao
Composed by:Gian Bernardino/Raphael Ridao
Kay lamig ng
Simoy ng hangin
Mga talang yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait
Pag asa'y 'di masilip
Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takipsilim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan
Nang hindi panandalian
Kahit kumpiyansa'y
Unti unting nawawala
'Di uubra ang hamon ng duda
Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka
Sa 'king buhay hanggang
Sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam na
Masilayan na kita
Babangon at lalaban at
Isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang
Mahanap kita
Ang tanging hangad
Ng puso'y ikaw
Makulimlim na
Pagsikat ng araw
Nananaig na ang
Boses na bumibitaw
Bingi bingihan na naman
Pilit na tinatakpan
Pusong nananawagan
Kay ginaw ng
Tanghaling tapat
Mga ginagawa'y 'di
Pa rin sapat
Sumagi sa 'king pag iisip
Damdami'y kinikimkim
Sa sarili'y 'di maamin
Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka
Sa 'king buhay hanggang
Sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam na
Masilayan na kita
Babangon at lalaban at
Isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ikaw ang hangad
Balik takipsilim
Sasapit na'ng gabi
Mga bitui'y lumihis
Sisikat nang muli
Araw ay sumilip
Nasilaw sa dilim
Puso'y nagising
Nag iisang muli muli
Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay
Na makasama ka
Sa 'king buhay
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggan
Ikaw ang hanggan
Patuloy na inaasam na
Masilayan na kita
Babangon at lalaban at
Isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap
Kita makita ka
Ang tanging hangad
Ng puso'y ikaw
Ng puso'y ikaw
Mga bitui'y lumihis
Sisikat nang muli
Araw ay sumilip
Nasilaw sa dilim
Puso'y nagising
Nag iisang muli