Listen to Wala Lang Yun song with lyrics from Parokya Ni Edgar

Wala Lang Yun

Parokya Ni Edgar17 Oct 2016

Wala Lang Yun Lyrics

Wala Lang Yun - Parokya Ni Edgar

Written by:Chito Miranda

 

Nahuli na naman ako meron ibang katext

Pero pangako sa iyo wala akong ibang ka sex

Sapagkat di ko kayang mawala ka

At hindi ko rin alam at ako'y nagtataka

Kung bakit parang hindi ko mapigilang magpacute

Kahit alam ko na wala lang basta cute

Parang kailangan kong subukan

Upang malaman kung kaya ko pa ba

At kung hanggang saan

Tandaan mo lang sana

Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba

At kahit na alam ko na hindi naman dapat ganun

 

Wala lang yun

Wag kang mag alala

Wala lang yun

Ikaw lang talaga

Wala lang yun

Parang awa mo na

Wala lang yun

 

Siguro hindi mo maiintindihan

Na likas sa lalaki ang kanyang kalokohan

Pero hanggang dun lang ako

Wala naman akong balak magloko

Konting landian lang naman

Hindi ko papaabutin sa kung anong iniisip mo

Sige na please lang patawarin mo ako

And please tandaan mo lang sana

Na ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba

At kahit na alam ko na hindi naman dapat ganun

 

Wala lang yun

Wag kang mag alala

Wala lang yun

Ikaw lang talaga

Wala lang yun

Parang awa mo na

Wala lang yun

 

Kung wala na pala yun bakit ko ginagawa

Di ko ba naisip na baka nasasaktan kita

Sa mga kalokohan o wala lang

Dun palang meron na kong kasalanan

Kung talagang mahal kita dapat kaya kong pigilan

Ang pakikipaglandian sa mga kababaihan

Na magiging dahilan ng kasinungalingan

Dahil mas mahalaga sa akin ang pag ibig mo

Mapanindigan ko sana

Na ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba

At pangako sa iyo mula noon hanggang ngayon

 

Wala lang yun

Wag kang mag alala

Wala lang yun

Ikaw lang talaga

Wala lang yun

Parang awa mo na

 

Wala lang yun