
Nandiyan Palagi (Theme from "Genesis") Lyrics
Nandiyan Palagi (Theme from "Genesis") - Regine Velasquez
Written by:Kedy Sanchez
May panahon sa wari'y
Ika'y nilimot ng mundo
Iniwan kang isipan mo'y lito't gulong gulo
Hinayaan kang nakadapa't
Nagdurugo ang puso at wala ng
Ipon pang lakas upang makatayo
Nandiyan palagi pangako sa 'yo
Nandiyan palagi sa iyong tabi
Kamay mo'y di bibitawan
Nandiyan palagi katabi ng puso mo
Hayaan lang madarama sa isang sandali
Pakinggan ang aking bulong hanggang mapangiti
Di ka iiwanan kailanman sa puso'y maglalagi
Upang bawat luha at hikbi mo'y aking mapawi
Nandiyan palagi pangako sa 'yo
Nandiyan palagi sa iyong tabi
Kamay mo'y di bibitawan
Nandiyan palagi katabi ng puso mo
Nandiyan palagi pangako sa 'yo
Nandiyan palagi sa iyong tabi
Kamay mo'y di bibitawan
Nandiyan palagi katabi ng puso mo
Nandiyan palagi katabi ng puso mo