Kay Hirap Tumanda Lyrics
Kung dati ay wala akong problema
Lahat ng bagay ay kayang-kaya
At kahit ano ay pwede kong subukan
Ang bawal ay' di ko iniinda
Mula gabi maging hanggang umaga
Tuloy ang buhay na anong saya
Ang pagtanda 'di ko nakikita
Kasi noon ako ay bata pa
Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sa' yo'y humihina
Kay hirap 'pag lolo't lola ka na
Gamot mo kay dami at iba-iba
Pileges sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Ngayon kay dami ng inaalala
Inaalala
Gustong gawin ay' di ko na makaya
'Di na makaya
Kulang na lang palagi ay may yaya
Laging may yaya
Dahil kung minsan ay ulyanin na
Mabuti pa ay tanggapin na lamang
Ang pagtanda ay' di maiiwasan
'Di maiwasan
Basta't sa kapwa ay may kabutihan
Ikaw ay may pinagkatandaan
Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sa' yo'y humihina
Kay hirap 'pag lolo't lola ka na
Gamot mo kay dami at iba-iba
Pileges sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Ang tama'y magkunwari na lang
Na bata upang maramdaman
Ang buhay ay tunay ngang ganyan
Ang pagtanda ay ating hantungan
Kay hirap kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Kasi lahat sa' yo'y humihina
Kay hirap 'pag lolo't lola ka na
Gamot mo kay dami at iba-iba
Pileges sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Sadyang ganyan kapag matanda na
Kay hirap 'pag ika'y matanda na