Listen to Ilaw Ng Sanlibutan song with lyrics from Marlon Oliveros

Ilaw Ng Sanlibutan

Marlon Oliveros, Daniel De Tablan15 Jun 2016

Ilaw Ng Sanlibutan Lyrics

Ilaw Ng Sanlibutan - Various Artists

Written by:Daniel De Tablan

 

Nang pumasok ang sala

Nabalutan ng dilim

Ang paraisong dating nagniningning

Ngunit dahil si adan nasa anino'y nahuli

Kislap ng pag ibig mo nagwagi

Sa kadiliman ikaw ang ilaw

Sa aming landas ikaw ang tanglaw

Ilaw ng sanlibutan hakbang aming gabayan

Nang manumbalik sayong tahanan

 

Dahil nais makamtan rurok ng katauhan

Isinantabi ang yong gintong aral

Sa sarili nasilaw sa andap nya ay nabulag

Oh makita pa kaya ang yong sinag

Sa kadiliman ikaw and ilaw

Sa aming landas ikaw ang tanglaw

Ilaw ng sanlibutan hakbang aming gabayan

Nang manumbalik sayong tahanan

 

Nang ang hapon ay nangdilim nabayubay ka sa krus

At inako mo ang sala ng mundo

Sa ikatatlong araw sumikat ang yong pag asa

Nang mabuhay kang muli anong ganda

Anong ganda

Sa mundong mapanlinlang

Pagingatan ang hakbang

Wag pasino sa nagkukubling bitag

Oh lisanin ang dilim

Mamuhay na sa liwanag

At patuloy tumupad sa yong tawag

Sa kadiliman ikaw and ilaw

Sa aming landas ikaw ang tanglaw

Ilaw ng sanlibutan hakbang aming gabayan

 

Nang manumbalik sayong tahanan

Popular Songs