Listen to Padayon song with lyrics from Rivermaya

Padayon

Rivermaya10 Jun 2006

Padayon Lyrics

Padayon - Rivermaya

Isang basong tubig galing sa poso

 

Inutang na kanin at malamig na ginamos

 

Kaunting asin sa plastik na platito

 

Busog na bay puwede nang magtrabaho

 

Sa aking balikat ay papasanin

 

Tatlong daang kilo ng asukal

 

Limandaang sako ng denorado

 

Sanlibong kaha ng delata

 

Sampung tonelada ng arina

 

Kalawanging bubong pader na may butas

 

Posteng pilay at sahig na paduyan duyan

 

Ang aking palasyo'y pagkatibay tibay

Pero puwede na 'pre tuloy ang hanapbuhay

 

Ngayong araw ay tatapusin ko

 

Isang subdibisyon limampung hektarya

 

Tatlong dosenang mansyon na magara

 

Higanteng gusaling likha sa semento

 

Kilo kilometro ng kalsada

 

Oo kay tamis ng buhay

 

Oo kay daling umasenso

 

Hangarin ko'y makatikim

Ng kaunting hayahay

 

Subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay

 

Pagkat walang ibang

Makagagawa nito

 

Paandarin ang makinarya

 

Bigyan ng buhay ang industriya

 

Patakbuhin ang ekonomiya

 

Padayunon ang pagpangita

 

Padayon

 

Padayon

 

Padayon

 

 

Padayon