Listen to Monthsary Song (feat. Loraine) song with lyrics from Various

Monthsary Song (feat. Loraine)

Various, Anak Ng Madre, Loraine8 Dec 2015

Monthsary Song (feat. Loraine) Lyrics

Kapag sasapit ang buwan na ′to ako'y galak na galak

Regalo ko lagi sa ′yo tsokolate't bulaklak

At sabay bibili ng fish ball at bola-bola

Coca-cola habang pupunta doon sa moa

Para mamasyal tayong dalawa

Sobrang saya ko talaga lalo na't ′pag kasama ka

Kasi ikaw lang ang nagbibigay sa ′kin ng ligaya

Kaya 'di ko na kailangan humiling pa

Wag mo na 'kong tanungin kung ba't ako nagda-drama

Ganito lang kasi ako kapag ako'y sobrang saya

Gutom ka na ba? gusto mo kain tayo sa tapsihan?

Kasi pagtapos no'n didiretso tayo sa sinehan

Para manood ng iba't ibang palabas

'Di ka mabibitin kasi wala nga 'yong patalastas

'Pag kasama talaga kita ang oras ko ay sulit

Happy monthsary mahal sana ito'y maulit

Masaya 'ko sa piling mo 'di magsasawang uulit-ulitin ′to

Salamat dahil nandyan ka at ako'y inibig mo

Kahit minsan may tampuhan ay 'di makukuhang lumayo o makipaghiwalay

Nanatiling matibay kahit minsan maingay hindi mo binitawan ang kamay

Kaya happy monthsary happy happy monthsary

Sana nga dami pa tayong pagdaanang monthsary

Happy happy monthsary happy happy monthsary

Sana ay madami pa tayo daanang monthsary

Tanggapin mo 'tong rosas 'di man ga'no kamahalan

'Yan ang magiging tanda ng ating pagmamahalan

Na sisikapin natin na maging pangmatagalan

Paaabutin hanggang maabot natin ang hangganan

Ng ating edad na puno lang ng tawanan

At pagsuyo ang paligid ng ating buong tahanan

Oh ba't natawa ka? ambisyoso ba'ko sobra?

Matutupad lahat ng 'yan basta walang kokontra

Bago ang lahat happy monthsary salamat

Sa pag-iintindi mong matindi sa'kin sa bawat

Pagpapasaway at topak ko na 'di maawat

Ay 'di mo pa rin winawagayway ang puting watawat

Nandyan ka pa rin nagbibigay-inspirasyon

Inaakay ako sa tila langit na destinasyon

Akala ko matutupad lang sa imahinasyon

Pero 'eto boom panis nasa akin ka ngayon

Masaya 'ko sa piling mo ′di magsasawang uulit-ulitin ′to

Salamat dahil nandyan ka at ako'y inibig mo

Kahit minsan may tampuhan ay 'di makukuhang lumayo o makipaghiwalay

Nanatiling matibay kahit minsan maingay hindi mo binitawan ang kamay

Kaya happy monthsary happy happy monthsary

Sana nga dami pa tayong pagdaanang monthsary

Happy happy monthsary happy happy monthsary

Sana ay madami pa tayo daanang monthsary

Happy monthsary mahal happy motmot po mahal

Ngayong motmot natin ang araw na ito ay espesyal

Ipapadama ko sa 'yo ang pagmamahal ko

Na parang tayong dalawa lang ang tao sa mundo

Pupunuin ko ng litrato nating dalawa ang kwarto

Sabay magpapatugtog ng kanta mong paborito

Yung walang iba na madalas mong kantahin

Kapag nag-aaway tayo para ika'y lambingin

Tapos lahat ng lalakaran mo mahal ay puro rosas

At ang tag-isang kamay natin ay nakaposas

Na nangangahulugang 'di tayo maghihiwalay

At sa silid ng pag-ibig papasok na nang sabay

At ang unang makikita mo do'n ay ang regalo ko

Na nasa maliit na kahong pinag-ipunan ko

At ang laman noon ay sakto sa palasingsingan

Tanda na ako ay sa 'yo at ika'y akin lamang

Masaya 'ko sa piling mo 'di magsasawang uulit-ulitin ′to

Salamat dahil nandyan ka at ako'y inibig mo

Kahit minsan may tampuhan ay 'di makukuhang lumayo o makipaghiwalay

Nanatiling matibay kahit minsan maingay hindi mo binitawan ang kamay

Kaya happy monthsary happy happy monthsary

Sana nga dami pa tayong pagdaanang monthsary

Happy happy monthsary happy happy monthsary

Sana ay madami pa tayo daanang monthsary

Hindi man buwan ng mga puso ngunit ipinagdiriwang

Nating dalawa sa kada buwan ang s'yang tanda ng

Pagsasama natin simula't hanggang ngayon

O ang ganap na pagiging ganap natin na mag-on

Sa isa't isa at halos laging kasama ka

Kung saan-saan man natin maibigan pumunta

Basta't sa 'kin magtiwala ako na ang bahala

Sa 'yo prinsesa ko't iniingat-ingatang tala

Kahit na kapos man ang dala-dala kong budget

At hindi ka man mabili ng mamahaling gadget

Ay kayang mapasaya sa simpleng lambing at kilig

At mainit na lugaw siopao panulak ay palamig

Gusto mo bang mag-ferris wheel? 'lika do'n tayo sa peryahan

Pagtapos maglibot naman tayo do'n sa tianggian

Salamat sa maghapong yakap mo't mga halik

Happy monthsary at sana′y maulit pa 'to ulit

Masaya 'ko sa piling mo 'di magsasawang uulit-ulitin ′to

Salamat dahil nandyan ka at ako'y inibig mo

Kahit minsan may tampuhan ay 'di makukuhang lumayo o makipaghiwalay

Nanatiling matibay kahit minsan maingay hindi mo binitawan ang kamay

Kaya happy monthsary happy happy monthsary

Sana nga dami pa tayong pagdaanang monthsary

Happy happy monthsary happy happy monthsary

Sana ay madami pa tayo daanang monthsary

Masaya 'ko sa piling mo 'di magsasawang uulit-ulitin 'to