Listen to Pasko Ng Ninong Ko song with lyrics from Various

Pasko Ng Ninong Ko

Various, Tarzan, Baby Jane4 Nov 2009

Pasko Ng Ninong Ko Lyrics

Pasko Ng Ninong Ko - Various Artists/Tarzan/Baby Jane

Written by:Bert Reyes

Kuripot ang ninong ko

Sa aginaldong piso

Dagling sumakit ang kanyang ulo

 

Sa aginaldong piso

Napudpod ang nguso ko

Sampung beses akong pinagmano

 

Ay naku ninong nalulugi pa ako

Sa pasahe sa pagpunta sa inyo

 

Ay naku ninung laging ganyan kayo

Ay 'di na uli ako mamamasko

 

Kuripot ang ninong ko

Mayro'n namang negosyo

At maraming kuwalta sa banko

 

May masagwa pang bisyo

Na kung araw ng Pasko ang bahay

Ay palaging sarado

 

Aba't itong ninong ko

Ay bigla siyang nagbago

Siya'y naging galante't bohemyo

 

At ang kanyang sikreto

Nabisto ng ninang ko

Na siya pala ay mayroong number two

 

Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo

Kay hirap hirap ng napasukan mo

 

Ngayon ay pasko number one at number two

Ay naghihintay na makapiling mo

 

Pumalpak ang ninong ko nahuli ng ninang ko

Kumare pala niya ang number two

 

Kaya pati kumpare nagalit sa ninong ko

 

Pinukpok ang ulo ng ninong ko aray

 

Aba't itong ninong ko

Ay bigla siyang nagbago

Siya'y naging galante't bohemyo

 

At ang kanyang sikreto

Nabisto ng ninang ko

Na siya pala ay mayroong number two

 

Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo

Kay hirap hirap ng pinasukan mo

 

Ngayon ay pasko number one at number two

Ay naghihintay na makapiling mo

 

Pumalpak ang ninong ko nahuli ng ninang ko

Kumare pala niya ang number two

 

Kaya pati kumpare nagalit sa ninong

Pinukpok ang ulo ng ninong ko

 

Ulo nagkabukol paskung pasko

 

 

At nagpaskong bukol ang ninong ko