Listen to Ang Buhay ko song with lyrics from ASIN

Ang Buhay ko

ASIN15 Oct 2005

Ang Buhay ko Lyrics

Ang Buhay ko - ASIN

Halos lahat ay nagtatanong doon sa aming bayan

 

Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan

 

Sila'y nalilito ba't daw ako nagkaganito

 

Kung ano ang dahilan ako lang ang nakakaalam

 

Magulang ko'y ginawa na ang lahat ng paraan

 

Upang mahiwalay sa aking natutunan

 

Subalit iniwan ko ang ibinigay na karangyaan

 

Kung ano ang dahilan ako lang ang nakakaalam

 

Musika ang buhay na aking tinataglay

 

Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

 

Kaya ngayon ako'y narito upang ipaalam

 

Na 'di ako nagkamali sa aking daan

 

Gantimpala'y 'di ko hangad na makamtan

 

Kundi ang malamang tama ang aking ginawa

 

Musika ang buhay na aking tinataglay

 

Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

 

Musika ang buhay na aking tinataglay

 

 

Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay