Listen to Kwento Nating Dalawa song with lyrics from Paolo Santos

Kwento Nating Dalawa

Paolo Santos18 Mar 2015

Kwento Nating Dalawa Lyrics

Kwento Nating Dalawa - Paolo Santos

Written by:Jose Javier Reyes/Ryan Cayabyab

Paulit ulit nang nasabi mga pangyayaring ganito

 

Laman ng sari saring awitin tula at iba't ibang kuwento

 

Kahit na sa pelikula mula doon hanggang dito

Pilit na gustong hulihin kurot at kilig ng puso

 

Pero kung ako ang tatanungin kung ano aking damdamin

Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko

 

Kahit ano pang tula't awitin sigurado akong kakapusin

 

Masukat lang ligaya na dulot mo

 

Wala pa yatang kanta nobela o pelikula

Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa

 

Paulit ulit nang nasabi at kay tagal pang hinintay

 

Pinangarap pinantasiya katuwang ko sa buhay

Ngayong tayo'y magkasama hindi pa rin makapaniwala

Itong suwerteng dumating sa akin na pumayag kang mahalin kita

 

Pero kung ako ang tatanungin kung ano aking damdamin

Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko

 

Kahit ano pang tula't awitin sigurado akong kakapusin

Masukat ang ligayang dulot mo

 

Wala pa yatang kanta nobela o pelikula

 

Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa