Kumusta Ka Lyrics
Kumusta Ka - Sharon Cuneta
Written by:Willy Cruz
Kumusta ka
Ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayao
Tinitingnan kita hanggang wala ka na
Kumusta ka
May ibang kislap ang yong mata;
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo;
S'ya ba'y katulad konung tayong dalawa
O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka
Mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na
Ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka
Kumusta ka
Ano ba'ng dapat sabihin pa
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon
Sinta mahal pa rin kita
O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka
Mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na
Ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka
O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka
Mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na
Ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka
Kumusta ka
Walang masabi kundi
Kumusta ka