Meron Nang Iba Lyrics
Meron Nang Iba (得到另一个) - Silent Sanctuary
Written by:Raymund Sarkee Sarangay
Mahirap bang pumili at magpasya
Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna
Kaya ngayon 'di na kita makilala
Kamusta ka na
Darating din sa akin malilimutan kita
Subukan mang pilitin baka nga di tayong dal'wa
Nanlalamig na damdamin kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na umuwi ka meron na akong iba
Meron na akong iba
Apat na buwan marami pang hindi alam
Pasensya na umalis nang ganun na lang
Siguro nga hindi ko to napag isipan at biglang lumayo
Darating din sa akin muling magiging akin ka
Subukan mang pilitin wag ka munang mawala
Nanlalamig na damdamin dito'y walang napapala
Sa araw na uuwi na meron ka na bang iba
Nasan ka nung kailangan ko ang yakap mo
Hinanap ang puso mong tanging baon ko
Sa langit magsusulat na ng bagong yugto
Handa 'kong maghintay Handa 'kong maghintay
Sinulat sa 'king kamay
Hindi ko rin akalain malilimutan kita
Subukan mang pilitin talagang di tayong dal'wa
Napagod na ang damdamin kay tagal mong nawala
Sa araw na umuwi ka
Meron na akong iba
Meron na akong iba
Meron ka na bang iba
Meron na akong iba