Anak Ng Mahirap Lyrics
Anak Ng Mahirap - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉尔)
Ako'y anak ng mahirap
Lumaking salat sa yaman
Maagang nawala si ama
Ang ina ko nama'y mahina na
Kami'y hinamak ng lubusan
Inaapi't tinatawanan
Kami'y itinuring na basahan
Sila ba'y makatwiran
Ako'y naglakbay na magisa
Upang aking malimutan
Mga kaapihang dinanas
Ihahanap ng kalunusan
Kami'y hinamak ng lubusan
Inaapi't tinatawanan
Kami'y itinuring na basahan
Sila ba'y makatwiran
Ako'y anak ng mahirap
Ngunit hindi ako nahihiya
Pagka't ako'y mayroon pang dangal
Di katulad mong mangaapi