
Awit Ng Pasasalamat Lyrics
Awit Ng Pasasalamat - Himig Heswita
Lyrics by:Eduardo P Hontiveros SJ
Composed by:Eduardo P Hontiveros SJ
Salamat sa Diyos at siya'y ang ating tagapagligtas
Kaniyang kabutiha'y ating isasaysay
Tayo ay magalak kaniyang papuri'y aawitin
Nilupig niya ang ating mga kaaway
O makatarungang Diyos hukom ng sanlibutan
Tanggulan sa oras ng panganib at kamatayan
Salamat sa Diyos at siya'y ang ating tagapagligtas
Kaniyang kabutiha'y ating isasaysay
Tayo ay magalak kaniyang papuri'y aawitin
Nilupig niya ang ating mga kaaway
Sa iyo'y nagtitiwala ang mahal mong bayan
Ang sa iyo'y dumulog 'di mo pababayaan
Salamat sa Diyos at siya'y ang ating tagapagligtas
Kaniyang kabutiha'y ating isasaysay
Tayo ay magalak kaniyang papuri'y aawitin
Nilupig niya ang ating mga kaaway