Listen to Sirena song with lyrics from Gloc-9

Sirena

Gloc-9, Ebe Dancel1 Jan 2012

Sirena Lyrics

Sirena (塞丽娜) - Gloc-9/Ebe Dancel

Written by:Aristotle C. Pollisco

 

Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

 

Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik

 

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib

Simula pa no'ng bata pa ako

Halata mo na kapag naglalaro

Kaya para lahat ay nalilito

Magaling sa Chinese garter at piko

Mga labi ko'y pulang pula

Sa bubble gum na sinaba

Palakad lakad sa harapan ng salamin

Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila

Habang kumekembot ang bewang

Mga hikaw na gumegewang

Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang

Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

Na galing sa aking ama

Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan

 

Laging nalalatayan

Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot

Ang puso kong mapagmahal

Parang pikit matang kulot

Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako

Teka muna mali dalaga na pala 'to

Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

Ano bang mga problema nyo

Dahil ba ang mga kilos ko'y iba

Sa dapat makita ng inyong mata

Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala

Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa

Kahit binaliw na sa tapang kasi ganun na lamang

Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

Tama nanaman itay di napo ako pasaway

Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat

At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa

Aking mga kapatid lahat sila'y sumama

Nagpakalayo layo ni hindi makabisita

Kakain na po itay nakahanda na'ng lamesita

Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang

Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan

Ngayon sa iyong kaarawan susubukan kong palitan

Ang lungkot na nadarama wag napo nating balikan

Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer

Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster

Isang gabi akoy iyong tinawag lumapit

Ako sayong tabi ikay tumangan kumapit

Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

Anak patawag sana sa lahat ng aking nagawa

Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

Drum na may tubig ang sinisisid

 

Naglalakihang mga braso sa'kin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila

 

Bandera koy di tutumba