收聽Leo Valdez的Magsimula Ka歌詞歌曲

Magsimula Ka

Leo Valdez2006年1月1日

Magsimula Ka 歌詞

 

Magsimula Ka - Leo Valdez

Written by:Gines Tan

Magsimula ka batiin ang kay gandang umaga

Ng may ngiti sa iyong mga mata

 

Sa pagkakaidli gumising na

Ang buhay ay masaya

 

Palalagpasin mo ba

 

Magsimula ka tuparin ang pangarap mong tunay

Habang ang lakas iyo pang taglay

Sa paghihintay baka masanay

Sayang naman ang buhay mawawala ng saysay

 

Iisa lang ang buhay mo

Kumilos ka gamitin mo

Kung may nais ang puso mo

Mangarap ka abutin mo

Upang ito'y makamit mo

Magsikap ka simulan mo

 

Magsimula ka pilitin ang tuklasin ang hanap

Madanas man ang maraming hirap

Ang mithiin mo pag naging ganap

Langit ng pagsisikap iyo nang malalasap

Iisa lang ang buhay mo

Kumilos ka gamitin mo

Kung may nais ang puso mo

Mangarap ka abutin mo

Upang ito'y makamit mo

Magsikap ka simulan mo

 

Iisa lang ang buhay mo

Kumilos ka gamitin mo

Kung may nais ang puso mo

Mangarap ka abutin mo

Upang ito'y makamit mo

Magsikap ka simulan mo

 

Upang ito'y makamit mo

 

Magsikap ka simulan mo