收聽Loonie的Abante歌詞歌曲

Abante

Loonie, Kat Agarrado2013年12月2日

Abante 歌詞

Abante - Loonie

Written by:Paul Klumcee Vano

Wala ng gasolina butas pa ang gulong

 

Tapos ang sapatos koy sira na uhaw pa at gutom

Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyare

 

Abante abante tuloy tuloy tuloy lang ang byahe

Akala ko dato mga pangarap koy hanggang doon nalang

Tadyak sa araw sampal sa bituin suntok sa buwan

Pero di ko tinigilan parang butong pakwan

Isang hakbang nilaktawan buong hagdan

Tutugmaan ko yan lahat kahit tungkol saan

Pupuntahan ko ang tugtog kahit saang bundok pa yan

Para lang marinig ng madla ang mga nabuong kantang

Pinag alayan ko ng laway pawis dugo't laman

Habang naglalakad sa matrapik na kalye

May baong mabahong kahapon sa aking bagahe

Laging nag babakasakaling may taxing bakante

Akala ko kasi malapit lang date

Maraming nag sasabing sa putik nanggagaling ang mga

Mamahaling diyamante maraming panganib at mga balakid

Subalit ang aking bawat hakbang ay palaging abante

Kahit na

Wala ng gasolina butas pa ang gulong

Tapos ang sapatos koy sira na uhaw pa at gutom

 

Kulang ang dalang pamasahe

 

Ngunit anu man ang mangyare

Abante abante

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

 

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

Tuloy tuloy tuloy

 

Mula sa Leyte ako ay napunta sa bagong ilog

Tapos lumipat sa bangban pasig hanggang sa nalibot

Ko na ang kanluran hilaga silangan at ang timog

Ng kamaynilaan atlahat ng pasikot sikot

Pag nasa Cebu ako tingin sakin ay manilenyo

Pero pag nasa luzon akoy bisayang pasiguenio

Dati ruta koy Mandaue Guadalupe Gorordo

Hanggang umabot sa America at Toronto o diba di na pinas yon

Wala ng limitasyon kahit saan pupuntahan

Basta may imbitasyon

 

Naglalakbay para sa inspirasyon

Kasi mas masaya pa ang biyahe

Kesa sa mismong destinasyon

Kaya kahit anong mangyare pare

Tuloy ang biyahe

Kahit na makatapak pako ng kumunoy o tae

Basta kahit na magkanda leche leche o ano

Wala akong paki alam dere deretcho lang ako

Kahit

Wala ng gasolina butas pa ang gulong

Tapos ang sapatos koy sira na uhaw pa at gutom

Kulang ang dalang pamasahe

 

Ngunit anu man ang mangyare

 

Abante abante

 

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

 

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

 

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

Tuloy tuloy tuloy

 

Ako ay nakisalamuha sa ibat ibang uri ng tao

Tinahak ang eskinita na puro dumi ng aso

Tinawid ang ilog na puro piranhang gutom

Hinarap ang mga kaso sa gitna ng hukom

Panginoon kelangan ko ng lakas na spiritwal

Diyos ko po nakakalula ang taas ng pedestal

Alaalang matatalim nakatanim saking bungo

Mga mali ko ang pinaka magaling ko na guro

Ngunit sa tuwing ma aabot ko na ang liwanag

Sa dulot unti unti ng lumilinaw ang mga malabo

Bigla bigla namang naglalabasan ang mga nakakatakot na halimaw

Na nakatago

Napasarap ang tulog sa upuan ng lumang bus

Kinumutan ng bangungot at tuluyang lumampas

Kung wala kang pamasahe matuto kang umangkas

Di baleng lumakad ng pagapang

Basta't wag kang umatras

 

Wala ng gasolina butas pa ang gulong

Tapos ang sapatos koy sira na uhaw pa at gutom

 

Kulang ang dalang pamasahe

 

Ngunit anu man ang mangyare

 

Abante abante

 

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

 

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

 

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

 

Tuloy tuloy tuloy