收聽Donna Cruz的Usapan歌詞歌曲

Usapan

Donna Cruz2006年4月5日

Usapan 歌詞

Usapan - Donna Cruz

Lyrics by:Rene Santos/Snaffu Rigor

Composed by:Rene Santos/Snaffu Rigor

Ang pagdadalaga'y 'di biro-biro

Katulad ng sinasapit ko

Ang nagaganap ngayon ay

Isang makulay na yugto

Ligaw tingin at ngiting malambing

Ng mga binatilyo sa akin

At hindi ko alam kung ito'y aking papansinin

Sa tunay lang hindi pa handa

Ang puso ko sa pagsinta

Saya ng pagkakaibigan ang mahalaga

Mahirap pigilan ang damdamin ko

At ikaw ay gustong-gusto ko

Nasa isip kita maghapon at 'yan ang totoo

Mapalad akong kaibigan kita

At hindi ko ipagkakaila

Sa buong barkada'y

Ikaw lang ang siyang naiiba

O kay bigat na kay ganda

Pag-ibig ay narito na

Kumakatok sa puso mo tanggapin mo sana

'Di laruan ang pagmamahalan

Kung 'di pa sapat sagan lang

Ang pag-ibig ko ay naro'n sa takdang panahon

Buti na rin kung 'yan ang ibig mo

Utos sa 'kin ang hiling mo

Ako ay maghihintay kahit pa habang-buhay

Tunay kang mahalaga sa akin

Ako ay sang-ayon na rin

Ang tunay na pagkakaibiga'y yaman ng buhay

Ang gusto mo ang ibig ko

Nais nating bigyang daan

Ang pagsasamang wasto sa kapwa't kaibigan

Dahan-dahan unti-unti

At 'wag sanang magmadali

Ang lahat ng bagay ay may takdang sandali

Ang puso mo at puso ko

Ang puso niya at ng mundo

Kapwa nangangarap ng ligayang totoo

Ating iwan ang nakaraan

Aral nito'y tatandaan

Ang mali at gulo ay dapat nang iwasan

Para sa 'yo at sa 'kin din

Ang bukas na dumarating

Alang-alang sa puso pagbutihan natin

Ang gusto mo ang ibig ko

Nais nating bigyang daan

Ang pagsasamang wasto sa kapwa't kaibigan

Dahan-dahan unti-unti

At 'wag sanang magmadali

Ang lahat ng bagay ay may takdang sandali

Ang puso mo at puso ko

Ang puso niya at ng mundo

Kapwa nangangarap ng ligayang totoo

Ating iwan ang nakaraan

Aral nito'y tatandaan

Ang mali at gulo ay dapat nang iwasan

Para sa 'yo at sa 'kin din

Ang bukas na dumarating

 

Alang-alang sa puso pagbutihan natin