
Ako Ang Mahal Mo 歌詞
Nagkatinginan nagkangitian
Buti na lang ako'y pinagbigyan
Sa isang hapong puno ng tanungan
Naging higit pa sa magkaibigan
Di ko alam kung tayo na ba
Basta't alam ko sakin ika'y mahalaga
Ang nararamdaman mo ay di ko alam
Ngunit parang sa yakap mo'y sinabi mo na
Ako ang mahal mo
At di sya na dating laman ng 'yong puso
Ako ang mahal mo
At sana naman ay tama ako
Ako ang mahal mo
At sana naman ay di na magbago
Ako ang mahal mo
Pagkat ikaw lang ang tanging laman
Nang puso ko
Muli kitang makikita at muling
Makakasama
Para tayong pinagtagpo ng tadhana
Minsan kahit tayo'y walang mapag usapan
At kahit wala ring mapuntahan
Basta't kasama ka ako ay masaya
Kahit minsan tayo'y may problema
Sapat na ang titig saking mga mata
Sapat na ang yakap mo upang malaman
Ko na
Ako ang mahal mo
At di sya na dating laman ng 'yong puso
Ako ang mahal mo
At sana naman ay tama ako
Ako ang mahal mo
At sana naman ay di na magbago
Ako ang mahal mo
Pagkat ikaw lang ang tanging laman
Nang puso ko
Tanging laman
Nang puso ko

