Hingalo 歌詞
Hingalo - Jan Roberts/Shirebound
Lyrics by:Jan Roberts/Tranquillo Guerrero
Composed by:Jan Roberts/Tranquillo Guerrero
Produced by:Kenneth Ponce
Ilang araw na 'kong nakamulat
Namamaga ang mga mata
Walang tigil sa pag-iyak
Naninikip aking dibdib
Nahihirapan akong huminga
Sa tuwing naaalala ka ang sinayang na mga alaala
Ibinuhos lahat para sa'yo
Dinurog ang dating buo
Sobra na ang pagmamahal na ito
Walang naitira para sa sarili ko
Unti-unting ang aking pagsuko
Naghihingalo pati ang pusong
Dating masagana ngayo'y lanta na
Dati'y mapula ngayo'y patay na
Buo na ang aking pasya
Sarili ko naman muna ang mauuna
Ipipikit namumugtong mata
Susubukang kung tatahan ba
Sa tuwing naaalala ka ang sinayang na mga alaala
Ibinuhos lahat para sa'yo
Dinurog ang dating buo
Sobra na ang pagmamahal na ito
Walang naitira para sa sarili ko
Unti-unting ang aking pagsuko
Naghihingalo pati ang pusong
Dating masagana ngayo'y lanta na
Dati'y mapula ngayo'y patay na
Magiging masagana ang dating nalanta
Magbabalik buhay sa pagiging pula