Gusto Ko Nang Bumitaw 歌詞
Gusto Ko Nang Bumitaw - Sheryn Regis
Lyrics by:Sheryn Regis/Jonathan Manalo/Michiko Unso
Composed by:Jonathan Manalo
Umiiyak gabi gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan
Talo na pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga
Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw nalilito ano nga ba ako sa 'yo
Sino nga ba ako sa 'yo
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang kasing lungkot
Walang kasing sakit
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Kung kalungkutan kong kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo
Paano na ako
Magpaparaya ba
Papakawalan na lamang ba kitang
Buo sa loob
Pinanghihinaan nang loob
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang pupuntahan kailanman
Ang maling pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago pa magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya tayong muli
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Bumitaw bumitaw bumitaw bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Pipiliin ko nang sarili
Bibitaw
Bibitaw na