Pangako 歌詞
Pangako - Troy Laureta/Nicole Scherzinger (妮可·舒可辛格)/Ogie Alcasid (奧吉·阿爾卡西德)/Manilyn Reynes
Lyrics by:Ogie Alcasid
Composed by:Ogie Alcasid/Manilyn Reynes
Produced by:Troy Laureta
Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata
Ako kaya'y 'di nais makapiling sinta
'Di mo ba pansin ako sa'yo'y
May pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin
Ako ngayo'y hindi mapalagay
Pagka't ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pagkaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako
Pangako hindi kita iiwan
Pangako 'di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dal'wa ang magkasama
Ano itong nadarama ko
Ako kaya'y nahuhulog umiibig na sa'yo
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala
Kung tunay man ang nadarama mo
Mayro'n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyung-iyo
'Wag sanang lumimot sa pangako
Pangako hindi kita iiwan
Pangako 'di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dalawa
Pangako hindi kita iiwan
Pangako 'di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y
Tayong dalawa ang magkasama