Hirap 歌詞
Hirap ang sinapit ko
Ng ako ay mangibang bayan
Labis ang kalungkutan dinaranas ko
Mahirap ang trabaho
Minsay di makatao
Ang turing sa isang katulad ko
Hirap ang iabot ko
Sa kamay ng aking mag amo
Wala kang kalayaan
Wala kang prinsipyo
Wala kang magagawa
Sunod sunuran ka nalang
Tiniis ang lahat basat kumita lamang
Naroon nga ang mga pangarap ko
Naroon nga ang gintong hinahanap ko
Ngunit nag pasya ako na bumalik nalang
Sa aking bayang sinilangan
Ngayoy kapiling kong muli
Ang aking mahal sa buhay
Dito ko nakang hahanapin
Ang aking kapalaran
Mababa man ang sweldo
Bastat mabuhay lang
Ng maligaya tahimik at marangal
Dito nalang ako
Dito nalang ako
Naroon nga ang mga pangarap ko
Naroon nga ang gintong hinahanap ko
Ngunit nag pasya ako na bumalik nalang
Sa aking bayang sinilangan
Ngayoy kapiling kong muli
Ang aking mahal sa buhay
Naroon nga ang mga pangarap ko
Naroon ka ang gintong hinahanap ko
Ngunit nag pasya ako na bumalik nalang
Sa aking bayang sinilangan
Ngayoy kapiling kong muli
Ang aking mahal sa buhay
Ngayoy kapiling kong muli
Ang aking mga mahal sa buhay