收聽Freddie Aguilar的Anak Epilogue歌詞歌曲

Anak Epilogue

Freddie Aguilar2012年2月1日

Anak Epilogue 歌詞

Anak Epilogue - Freddie Aguilar (弗雷迪·阿吉拉爾)

Nung isilang ka mundong ito

 

Laking tuwa ng magulang mo

 

At ang kamay nila ang iyong ilaw

 

At ang ang nanay at tatay mo

Di malaman ang gagawin

 

Minamasdan pati pagtulog mo

 

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla nang gatas mo

 

At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong

 

Amang tuwang tuwa sa'yo

 

Ngayon nga ay malaki ka na

 

At nais mo'y maging malaya

 

Di man sila payag walang magagawa

 

Ikaw nga ay biglang nagbago

 

Naging matigas ang iyong ulo

 

At ang payo nila'y sinuway mo

 

Di mo man lang inisip na ang kanilang

Ginagawa'y para sa'yo

 

Pagka't ang nais mo'y masunod ang layaw mo

 

Di mo sila pinapansin

 

Nagdaan pa ang mga araw at ang

Landas mo'y naligaw

 

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

 

At ang una mong nilapitan ang iyong

Inang lumuluha at ang tanong

Anak ba't ka nakaganyan

 

At ang iyong mga mata'y bigla lumuha

Nang di mo napapansin

 

Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong

 

Ika'y nagkamali

 

Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong

 

Ika'y nagkamali

 

Kahapon ay nilimot mo

Pati ang masamang bisyo

 

Laking pasalamat ng magulang mo

 

Ikaw nga ay tuluyang nagbago

 

Natagpuan ang sarili

 

Galaw ng isip mo matuwid na

 

Patuloy ang takbo nang araw

 

At ikaw'y natutong umibig

 

Hindi naglaon at ipinasya

 

Mong lumagay ka na sa tahimik

 

Pagka binata mo'y natapos na

 

Malapit ka na maging ama

 

Kaya lalong nagsikap ng husto

 

Dumating ang iyong hinihintay

Sinilang ang panganay mo

Parang langit ang iyong nadama

 

Ngayon anak alam mo na

Kung anong pakiramdam ng maging isang ama

 

Ganyan din ang nadarama ng iyong

Ama't ina nang ikaw ay makita

 

Ngayon iyong naramdaman

 

Ngayon iyong naranasan

 

Ngayon iyong maiintindihan

 

Tama pala ang iyong ina

Tama pala ang iyong ama

 

Ngayon hindi ka na magtataka

 

Hindi pala birong maging magulang

 

O ngayon iyong dinaranas

 

Hindi pala birong maging magulang

 

O ngayon iyong dinaranas

 

Hindi pala birong maging magulang

 

O ngayon iyong dinaranas