收聽Mark Carpio的Naghihintay Sayo歌詞歌曲

Naghihintay Sayo

Mark Carpio2016年1月15日

Naghihintay Sayo 歌詞

Naghihintay Sayo (等待你) - Mark Carpio

Written by:Mark Anthony Carpio

Sa tuwing bumabalik

 

Mga alaalang nakalipas

Laging ngumingiti

Sa tuwing ika'y biglang naaalala

Ako'y nananabik

 

Sa bawat sandali na makapiling ka

 

Ano bang dahilan 'di maintindihan

Saan nagkamali itong damdamin ko

 

Saan ka naroon

 

Bakit ba nagka ganito

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako'y gulong gulo

 

Sana'y maintindihan h'ang ngayon ako'y nasasaktan at iniwan mong naghihintay sayo

 

Kailan makakamit mga nananatiling panaginip

Ang iyong pagbabalik

 

Walang hangganan na paghihintay

At kahit anong sakit

Hindi mapigilan ang damdamin na umaasa

 

Ano bang dahilan 'di maintindihan

Saan nagkamali itong damdamin ko

 

Saan ka naroon

 

Bakit ba nagka ganito

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako'y gulong gulo

 

Sana'y maintindihan h'ang ngayon ako'y nasasaktan at iniwan mong naghihintay sayo

 

Kahit saan tumingin

 

Larawan mo pa rin ang natatanaw

Dumadalas kahit saan ay nangangarap na makapiling ka sinta

 

Bakit nagka ganito

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako'y gulong gulo

 

Sana'y maintindihan h'ang ngayon ako'y nasasaktan at iniwan mong naghihintay sayo

 

Naghihintay

 

Naghihintay sayo ohhh