收聽Smugglaz的Alay Lakad (Kahit Pano)歌詞歌曲

Alay Lakad (Kahit Pano)

Smugglaz2015年7月31日

Alay Lakad (Kahit Pano) 歌詞

Alay Lakad (Kahit Pano) - Smugglaz

Lahat ng mga 'to ay alay ko sa mga nagbigay

Ng pagkakataon upang kahit pano'y mabuo

Ang aking panaginip sa tagal kong nag hintay

Lumipad patingala naglakad ng payuko

Tagumpay na wala sa narating nasa pinagmulan

Dahil sa mga tulad nyong laging nasaking likuran

Kasama ko noon at nakasama ko ngayon

Na nagtanim hanggang magbunga pag hinog ng panahon

 

Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa lahat

Ng mga taong tumulong sa akin upang mabuo

Bawat detalye sa kasaysayan ng aking alamat

Naging pataba nung ako'y binhi pa lang na patubo

Hindi man naging madali pilit kong sinubukan

Kahit napakaraming mali hindi ko sinukuan

Maging maayos sa labas ng aming tahanan na wasak

Bilang pangkaraniwang kuya at panganay na anak

Ito'y para sa kanila kay mama kay papa at mga kapatid

Kong naron at naririto

Lagas man o sagana patuloy na umasa

Hiwa hiwalay man tayo'y binuo ko ang sarili ko

At saking lola na nag tyaga upang mapaayos

Ang aking kinabukasan

Kahit di man nakatapos ng aking pag aaral ay natuto din ako

Yung apo mong pinalaki ng maipagmalaki mo

Pati ng mga di naging madamot saking kaibigan

Nung wala ako't nandyan sila upang malapitan

Mga taga suporta na nag aabang ng bago

Na saludo lang palagi sa mga nagagawa ko

Mga taong nagtiwala at di hinusgahan

Ang pwede ko pang marating sa dami ng pinuntahan

Sapagkat kilala nyo talaga kung sino ako

Di ko man maisa isa alam nyo kung sino kayo salamat

Kulang pa lahat ng to para mabatid ang pasasalamat ko

Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin kahit pano kahit pano

Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa mga

Mga taong nun pa ma'y tumanggap sakin ng buo

Yung mga araw na wala pang kasikatan na dala

Nagdilig ngpagkalinga nung panahon ng tag tuyo

Lalo na sa aking asawa na kasama kong nangarap

Anumang makasalubong hinarap naming magkayakap

Sumuporta ng higit sa paghanga sapagkat

Subok na tayo kahit ikaw ako laban sa lahat

At saking anak na lalong nagpalinaw ng daan

Sa buhay at tungkuling mas dapat kong gampanan

Na nagbibigay rason kung bat ako humihinga

Dahil sayo lahat sakin ay di pwe pwedeng huli na

Alay ko sa inyo 'nak ang lahat ng mga to

Pagdamutan nyo na kung anumang aking mabigay

Anuman ang mangyari sa paglalakbay na to

Sabihin mo sa mommy mo mahal kayo ni daddy bry

Lalong lalo sa taas bilang pasasalamat sa talino at lakas

Upang maging karapat dapat

Kung wala ka diyos ama ang lahat ng mga

Pasanin ko't dala di ko kinaya mag isa

Makasalanan man ako'y pinagpala mo pa rin

Ang aking mga musika maging biyaya sa iba

Maging inspirasyon ayon sa kaloobang na sayo

Bilang isa sa mga espesyal na obramaestra mo

Sa lupa

Kulang pa lahat ng 'to para ihinto ko ang mga lakad ko

Anuman dumating handa ko ng harapin

Kahit pano kahit pano

Lahat ng mga 'to ay alay ko sa akin pabalik

Kahit anuman mabigay ko ay handa kong tanggapin

Dahil sa tagal kong nainip at nanabik

Parang gusto kong apiran sarili ko sa salamin

Habang sinasabi kong para sakin karangalan

Maging isang smugglaz ang dati na si bryan

Panindigan mo na naiintindihan kita

Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba

Panindigan mo na naiintindihan kita

Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba

Panindigan mo na naiintindihan kita

Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba

 

Kahit pano diba

Kahit pano diba

Kahit pano diba

Kahit pano

Kulang pa lahat ng to para mabatid ang pasasalamat ko

Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin kahit pano kahit pano

Kulang pa lahat ng to para mabatid ang pasasalamat ko

Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin kahit pano kahit pano

Kulang pa lahat ng to para mabatid ang pasasalamat ko

 

Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin kahit pano kahit pano